Tuluyan nang binawian ng buhay ang isang security guard na malubhang nasugatan matapos umanong tamaan ng bakal sa ulo, nang manalasa ang may kalakasang buhawi sa Maynila, noong Linggo ng hapon.
Sa ulat ni Police Supt. Santiago Pascual III, station commander ng Manila Police District (MPD)- Station 3, nabatid na dakong 4:30 ng hapon nitong Martes nang mamatay si Elmer Quimno, 40, security guard at residente ng Guzman Dormitory, sa Z. P. de Guzman St., Quiapo, Maynila.
Nauna rito, nagpapahangin umano sa rooftop ng naturang dormitoryo ang biktima nang manalasa ang buhawi nang liparin ang may kalakihang bakal at tumama sa kanyang ulo. (Mary Ann Santiago)