Nakisali na lamang sa inuman ay nanaksak pa ang isang obrerong ‘Demonyo,’ sa Sta. Ana, Manila nitong Linggo.
Kasalukuyang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Joseph Somoo, nasa hustong gulang, construction worker, at residente ng 406 Tanagan Street, Punta, Sta. Ana, bunsod nang tinamong isang tama ng saksak sa kanyang dibdib.
Tinutugis naman na ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na nakilala lang sa alyas na ‘Jessie Demonyo’, nasa nasa 50 pataas ang edad, construction worker, at residente ng Water Lily Street, Punta, Sta. Ana, Manila, bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.
Sa ulat ni P/Supt. Roberto Domingo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 6, nabatid na dakong 1:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa tahanan ng isang alyas Renato sa Jasmin Street sa Punta, Sta. Ana.
Dumating umano ang suspek at sumali sa inuman. Nang malasing ay nakatalo nito ang biktima hanggang maganap ang pananaksak. (Mary Ann Santiago)