Sexy star na iniwan ng ka-love team, sumikat na

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

MARAHIL ay sising-sisi ngayon ang aktor na dating ka-love team ng isang sexy star na sumisikat na samantalang siya ay nananatili pa ring ‘da who’.

Guwapo ang aktor na dating kaliwa’t kanan ang project sa pelikula at TV show. Pero waley na siya halos sa limelight ngayon dahil guwapo lang naman talaga siya.

Yes, Bossing DMB, hindi kasi nakitaan ng talento sa pag-arte ang aktor na dating kapareha ng sexy star at higit sa lahat, hindi rin magiliw sa entertainment media kaya lagi siyang nasasabihang ‘suplado’ ng maraming katoto.

Pero kami, ever since ay hindi namin siya gusto kasi unang-una feeling guwapo at sikat kahit wala pa namang napapatunayan.

Bigla ring dinedma ng aktor ang naka-love team na sexy actress nang may bago siyang maka-love team sa programa ng network na kunektado siya.

Naiwang mag-isa ang sexy star at kung sinu-sino na lang ang naka-partner hanggang sa dumating ang big break na dahilan nagpakilala nang husto sa buong mundo at isa pang project na talagang inaasam-asam ng karamihang aktres.

May pahabol ang nagkuwento sa amin tungkol sa dating magka-love team, “Sayang nga kasi bagay sila at may chemistry, eh.”

Napaisip kami, sa ilang projects na pinagsamahan ng dalawa ay ang sexy star naman talaga ang nagdala sa ka-love team na aktor kasi nu’ng ipareha na sa iba ang huli ay nawalan na ng tunog ang pangalan niya.

Hmmm, baka naman busy lang sa paborito niyang sports. —Reggee Bonoan