Red Lions, asam ang ‘sweep’ sa NCAA

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Mga Laro Ngayon (San Juan Arena)
2 n.h. — JRU vs San Beda
4 n.h. — Letran vs Mapua

Target ng San Beda College na mawalis ang unang round ng elimination sa pakikipagtuos sa Jose Rizal University sa pagtatapos ng unang round ng elimination ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament ngayon sa San Juan Arena.

Pupuntiryahin ng Red Lions ang ikasiyam na sunod na panalo kontra sa Heavy Bombers sa ganap na 2:00 ng hapon.

Puntirya naman ng Heavy Bombers na makamit ang pagkakataon na magpatigil sa winning run ng Red Lions.

Magkakasubukan naman ang defending champion Letran at Mapua sa tampok na laro sa ganap na 4:00 ng hapon. – Marivic Awitan