PBCI ang bagong koponan sa ABL

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Kasunod ng dalawang koponang Kaohsiung Truth ng Taiwan at Hong Kong Eastern, isa pang koponan mula naman sa Pilipinas ang nakatakdang lumahok sa una at nag- iisang professional regional basketball league sa South East Asia- ang ASEAN Basketball League o ABL.

Ang Pilipinas Basketball Club, Inc. (PBCI) ang pinakabagong koponan na sumali sa lumalaking pamilya ng ABL.

Pag- aari ang PBCI ng sports management agency na Virtual Playground na pinamumunuan nina Dondon Monteverde at Charlie Dy, dalawa sa mga kilalang sports at entertainment agents sa bansa.

“Nakita kasi namin yung potential ng ABL kaya naisipan naming sumali para may representative ang Philippines,” sambit ni Dy.

Ang PBCI ang ikaapat na koponan ng Pilipinas na lalahok sa ABL kasunod ng mga naunang AirAsia Philippine Patriots, nagkampeon sa unang taon ng liga noong 2010, ang San Miguel Beermen na siya namang nagkampeon noong 2013, at ang Pilipinas MX3 Kings.

Kasalukuyan pang tinatapos ang pagbubuo ng koponan ng PCBL at pinag- iisipan ang kanilang dadalhing pangalan.

Bukod dito, balak din nilang maglaro sa Sta. Rosa, Laguna, Cebu, at Davao para sa kanilang home games.

“Primarily, as a Filipino, it gives you great joy that your country is represented in the ABL,” pahayag ni Jericho Ilagan, Chief Operating Officer ASEAN Basketball League. – Marivic Awitan