Wally Bayola, hindi nakakatawa?Global

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Sa Hay, Bahay! ngayong Linggo, masusubukan ang pagbabayanihan sa tahanan ng Yaptinchay. Dahil matagal nang pinapangarap ni Sikat (Wally Bayola) na maging kilalang komedyante, sasali siya sa audition sa isang comedy bar.

Paghahandaan niya itong mabuti at susubukang mag-perform sa harap ng mga kasama sa bahay pero iiwasan siya ng lahat dahil hindi sila natatawa sa mga banat niya.

Madidismaya si Sikat na hindi na siya makakasampa ng stage, lalo pa nang malaman niyang nakalimutan ni Lav (Ai-ai delas Alas) ang tungkol sa nasabing audition. Hindi rin natutuwa ang manager sa mga banat niya kaya papayuhan siyang mag-ensayo pa sa harap ng maraming tao. Makikita naman ni Mael (Jose Manalo) na nagsisikap si Sikat kaya tutulungan siya nito.

Anong tulong kaya ang gagawin ni Mael kay Sikat? Masuportahan kaya ng bahay Yaptinchay ang kanyang pangarap? Subaybayan ang episode ngayong Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

  • Suede Elvis

    Hindi naman talaga nakaka.tawa si Wally. Sa Juan for All/Sugod Bahay, eversince si Jose ang nagdadala ng programa, at sya laging sumasalo sa mga paltos na hirit ni Wally. Mas magaling pa nga si Paolo sa kanya. Tsaka parang napipilitang tumawa sina Vic Sotto at ibang hosts sa mga hirit ni Wally. Yung bading2.badingan din nya, waley ampuchhh, hindi naman nakakatawa.