Alden, lalaking Vilma Santos

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Vilma only_please crop copy copy

SA mga sikat na artista ngayon, bibihira na lang ang kagaya ni Alden Richards na may pagpapahalaga sa naitutulong ng entertainment press.

Si Alden tuloy ang itinuturing ng mga katoto ngayon na male counterpart ni Lipa City Rep. Vilma Santos. Kagaya kasi ni Ate Vi, mahaba ang memory ni Alden sa mga pangalan ng entertainment reporters at kahit minsan lang maipakilala sa Kapuso actor ay nakatanim na agad ‘yun sa utak niya.

Si Ate Vi kasi, kahit minsan lang makilala ang isang tao, natatandaan niya ang pangalan at kapag muli silang nagkita, agad niyang tatawagin ang pangalan na para bang super ka-close na niya, huh!

Tulad ni Ate Vi, kilala ni Alden ang halos lahat ng movie writers at hindi lang ‘yung malalapit sa kanya o madalas niyang makita sa presscons ng Kapuso shows kundi pati na rin ang mga alam niyang konektado sa Kapamilya stars!

Siyempre, hiningi agad namin ang reaksiyon ni Cong Vi hinggil dito at ganoon na lang ang pasasalamat ng Star for All Seasons.

“Maraming salamat sa mga kaibigan nating press people. Tangos naman ng ilong ko! Maraming-maraming salamat talaga sa kanila dahil sa totoo lang naman, eh, malaki ang utang na loob ko sa kanila,” sey pa ni Ate Vi.

Marami raw sa movie reporters ang kasa-kasama na niya noon pa.

“Kasa-kasama ko na sila noon pa at hanggang sa tumatanda na kami, nandito pa rin silang lahat. Pamilya ang tawag doon!!! Kayamanan ang totoong friendship, suporta at pasasalamat,” banggit pa ni Cong. Vi. (JIMI ESCALA)