Luis Manzano, nag-iba ang ugali nang makarelasyon si Jessy Mendiola

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BAGAMAT hindi kami close kay Luis Manzano ay nakokontak namin siya kapag may gusto kaming iklaro at sumasagot naman kung minsang type niyang sumagot at kapag nakakasalubong namin siya sa ABS-CBN ay magalang namang bumabati.  

Kaliwa’t kanan ang nababasa naming hindi maganda tungkol kay Luis ngayon dahil sa pagtatanggol niya kay Jessy Mendiola na rumored girlfriend niya lalo na nu’ng siya na mismo ang administrator ng Instagram account ng aktres para ipagtanggol ito sa bashers.  

Nabanggit na ni Luis na hindi siya mabait at pumapatol siya sa bashers, at kung anu-ano pa. Kaya ngayon, ang naririnig naming komento, “Bakit nagkaganu’n ang ugali ni Luis? Dati naman hindi siya ganyan. Nu’ng sila na ni Jessy, nag-iba ugali niya? Nahawa ba siya kay Jessy?”  

Nabanggit pa na dahil kay Jessy ay nasisira ang pangalan ng panganay ni Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto. 
 
May mga isyu na rin naman dati pa kay Luis pero hindi ganito na napaparatangan siyang pakialamero ng account ng may account dahil sa pagtatanggol sa babae.  

Pero teka, matagal nang pumapatol si Luis sa bashers na foul naman na talaga kung minsan ang sinasabi, para lang may masabi.

Anyway, in love nga siguro si Luis kay Jessy kaya ganoon na lang ang pagtatanggol niya sa dalaga, to the point na pangalan na niya ang nakataya. 

Pero baka naman dati nang ganito si Luis, hindi lang masyadong na-headline o napag-usapan kasi hindi naman katulad ng ginawa para sa ex-girfriends niya ang nakikita ngayon sa relasyon nila ni Jessy, lalo’t wala na yatang nasabi o nasulat na maganda tungkol sa aktres.  

Hindi rin kami close kay Jessy at bihira namin siya makatsikahan, kapag may presscon lang, kaya wala kaming ideya kung ano ang tunay niyang ugali. Pero para mahalin siya nang husto ng nagiging boyfriend niya, ibig sabihin ay mabait at may magandang puso si Jessy.  

Ito rin siguro ang nakikita ni Luis sa aktres kaya ganito na lang kung ipagtanggol niya ang dalaga. 

Pero sana hindi sa ganitong paraan na nasisira ang pangalan ng TV host dahil sa isang babae.

Sayang din naman kasi ang pangalang pinaghirapan niya ng ilang taon sa showbiz, di ba nga, Bossing DMB kaya nga kayod to the max siya para i-establish ang pangalan niya at hindi dahil anak siya nina Ate Vi at Edu Manzano.
(REGGEE BONOAN)