• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Vilma Santos, komporme sa bawal nang pabonggahan ng gown sa SONA

Balita Online by Balita Online
July 20, 2016
in Features, Showbiz atbp.
0
Vilma at Luis, dumaan din sa mga problema ang relasyon bilang mag-ina
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

VILMA2 copy

BAWAL na ang patalbugan ng kasuotan sa lahat ng mga dadalo sa State of the Nation Address (SONA) sa Lunes. Kaya tiyak na mami-miss ng mahihilig sa fashion ang pag-aabang sa mga bonggang kasuotan ng mga kagaya nina Asssunta de Rossi, Dawn Zulueta, Jinkee Pacquiao, Lucy Torres at ng isa sa inaantabayan ng lahat na bagong kongresista na si Cong. Vilma Santos.

Pero ayon sa Star for All Seasons na tiyak na ang pagdalo kauna-unahang SONA ni Pres. Rody Duterte, walang problema sa kanya ang pagbabawal sa mga bonggang kasuotan sa naturang event. Aniya, ang mensahe ng presidente ang mahalagang pagtuunan ng pansin sa araw na ‘yun.

“Okey lang. For me wearing a dress is more comfortable. It’s true… what is important on that day is the message of our president,” sabi ng first ever congresswoman ng sixth district ng Batangas.

Ayon kasi sa incoming finance department spokesperson na si Paola Alvarez, hindi dapat magmukhang fashion show ang SONA na kinaugalian tuwing isinasagawa ito. Dapat umanong isentro ang okasyon sa mensahe ng bagong pangulo.

“Tama ‘yun,” susog ni Cong. Vi. “Nakataya ang bansa natin sa message ni Pangulong Rody Duterte. We will just be presentable being public officials.”

Aware ang esposa ni Sen. Ralph Recto sa inilabas na kautusan ng Malacañang na dapat ay business attire pero hindi pa rin naman daw mawawala ang Filipiniana sa kababaihan, hanggang tuhod lang at hindi ‘yung abot hanggang sahig.

Halos kinamulatan na nga naman na isa sa talagang pinag-uusapan pagkatapos ng SONA ang mga kasuotan ng kababaihan, mga misis ng mga senador, kongresista, iba pang mga pulitiko, at maging mga imbitadong guest na pinalalabas ng mga fashinosta na nagpapatalbugan ng gowns.

Samantala, naitanong din namin kay Ate Vi ang tungkol sa pinag-uusapang pagpapakilala sa kanya ni Jessy Mendiola na sinasabing girlfriend na ngayon ng panganay niyang si Luis Manzano at siyempre kasabay na rin ‘yung sunud-sunod na paninira ng bashers na obvious naming fans ng ex-girlfriend ng kanyang anak.

“’Pag mabuti ang pagkatao ng isang tao, mahirapan kang makalimutan. ‘Pag hindi maganda ang pagkatao ng isang tao, madali mo siyang makakalimutan,” diretsong sagot ng Star for All Seasons.

Mukhang may hugot lines na rin ang paborito naming aktres?

“Well, ‘yun lang ang sagot ko!!! At wala nang paliwanag ang sagot kong ‘yan. Period,” sey pa ng nag-iisang Vilma Santos-Recto. (JIMI ESCALA)

Tags: balitaNewsphilippinesVilma Santos
Previous Post

MASAYA NGUNIT MAKATOTOHANAN

Next Post

Edmund Hillary

Next Post

Edmund Hillary

Broom Broom Balita

  • Magtuturo na lang: Duque, wala nang planong magserbisyo pa sa gobyerno
  • Mayor Isko: De kalidad na serbisyong pangkalusugan sa Bagong OsMa, libre lang
  • Panibagong talak ni Manay Lolit kay Bea: ‘Hindi na mukhang fresh at yummy’
  • P281M, hindi napanalunan; Grand Lotto 6/55 jackpot prize, lolobo ng P295M! — PCSO
  • Bandang LILY, naghahanap ng pangalan para sa bago nitong bokalista: ‘Yung tunog nag-i-stay’
Duque, magbabalik sa pagtuturo sa kanyang pagbaba bilang hepe ng DOH

Magtuturo na lang: Duque, wala nang planong magserbisyo pa sa gobyerno

June 28, 2022
Apurahin ang proseso ng insurance claims para sa mga biktima ng bagyo – Mayor Isko

Mayor Isko: De kalidad na serbisyong pangkalusugan sa Bagong OsMa, libre lang

June 28, 2022
Panibagong talak ni Manay Lolit kay Bea: ‘Hindi na mukhang fresh at yummy’

Panibagong talak ni Manay Lolit kay Bea: ‘Hindi na mukhang fresh at yummy’

June 28, 2022
P281M, hindi napanalunan; Grand Lotto 6/55 jackpot prize, lolobo ng P295M! — PCSO

P281M, hindi napanalunan; Grand Lotto 6/55 jackpot prize, lolobo ng P295M! — PCSO

June 28, 2022
Bandang LILY, naghahanap ng pangalan para sa bago nitong bokalista: ‘Yung tunog nag-i-stay’

Bandang LILY, naghahanap ng pangalan para sa bago nitong bokalista: ‘Yung tunog nag-i-stay’

June 28, 2022
Anabelle sa isang kilalang negosyanteng may utang sa kaniya: ‘Ang kapal ng mukha, 3 years na!’

Anabelle sa isang kilalang negosyanteng may utang sa kaniya: ‘Ang kapal ng mukha, 3 years na!’

June 28, 2022
Morissette Amon, effortless na kumasa sa whistle challenge ng ‘Love Takes Time’ ni Mariah Carey

Morissette Amon, effortless na kumasa sa whistle challenge ng ‘Love Takes Time’ ni Mariah Carey

June 28, 2022
Angel, nagbabala sa publiko tungkol sa kumakalat na pekeng endorsement ng cereal brand

Angel, nagbabala sa publiko tungkol sa kumakalat na pekeng endorsement ng cereal brand

June 28, 2022
Imelda, excited makabalik sa Malacañang, tamang-tama sa bertdey

Imelda, excited makabalik sa Malacañang, tamang-tama sa bertdey

June 28, 2022
Kakie, binabash pa rin daw ng BBM supporters; naikukumpara kay Sharon

Kakie, binabash pa rin daw ng BBM supporters; naikukumpara kay Sharon

June 28, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.