Varejao, nanatili sa Golden States

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

OAKLAND, California (AP) — Tinanggihan ni Anderson Varejao ang championship ring na ibinibigay ng Cleveland Cavaliers. Ngunit, tinanggap nila ang alok na isang taong kontrata para manatili sa Golden State Warriors.

Hindi naglabas ng detalye ang Warriors hinggil sa maximum contract para sa isang beterano na nilagdaan ni Varejao nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Tangan ni Varejao ang averaged 2.6 puntos at 2.3 rebound sa 22 laro sa Warriors kung saan ipinamigay siya ng Cavaliers sa pagtatapos ng regular season.

Bilang miyembro ng Cleveland bago ang playoff series, may karapatan si Varejao sa championship ring, ngunit tinanggihan ito ng Brazilain star.

Lumagda siya ng bagong kontrata dahil nais niyang maging isang ganap na kampeon bilang Warriors.