Sintunadong baguhang singer, bakit daw natanggal sa singing contest?

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

PUMUPUTAK ang mga kaanak ng isang baguhang singer dahil nalaglag siya sa isang singing contest kasama ang kagrupo niyang male singers.

Magaling na singer daw ang kaanak nila at sa katunayan ay angkan naman daw talaga sila ng mga mang-aawit kaya unfair daw na hindi man lang siya napasama sa finals at higit sa lahat, pawang magaganda naman ang production numbers nila simula pa lang.

Pero medyo annoying ang talak ng kaanak ng baguhang singer kaya naintriga kami plus nakarinig pa kami ng komento mula sa mga taong involved sa production na, “sintunado nga, alangan namang ipasa mo.”

Naintriga tuloy kami kaya hinagilap at pinanood namin ang lahat ng episodes ng singing contest at totoo nga, bukod sa bagong genre ang pinauuso ng grupo na kinabibilangan ng baguhang singer ay marami silang out of tune na mapapakunot-noo ka na lang.

“Sayang nga, di ba, ang ganda ng mga boses nila, eh, hindi sila nagbi-blend, parang kanya-kanya silang bidahan,” sabi sa amin ng involved sa production.

In fairness, maganda naman talaga boses ng baguhang singer, kaso may mga pagkakataong sumesemplang talaga ang boses niya. At higit sa lahat, hindi siya mahal ng TV camera kaya siguro hindi rin siya type ng viewers.

Ganyan talaga ang buhay, hindi lahat ibinibigay ng Diyos kahit magaling ka, may magiging kapintasan ka pa rin. –Reggee Bonoan