PBA: Kings, kukuha ng bagong import

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Matapos niyang lumaro para sa Kings noong ikalawang conference, plano talaga ng Kings na ibalik si Othyus Jeffers ngayong season ending conference ngunit hindi lamang ito natuloy kung kaya kinuha nila si Paul Harris.

Sinamang-palad naman na mapinsala ang kanang hinlalaki ni Harris sa panalong laro kontra Global Port nitong Sabado.

“We’ll have to take a look,” sambit ni Cone. “We don’t know what he’s been doing for the last month or so, if he’s in shape or whatever,” aniya.

Laking panghihinayang naman ni Cone sa nangyari kay Harris dahil maganda na aniya ang tinatakbo ng koponan kasama ang import na nag-ensayo na sa kanila ng halos isang buwan.

“He’s such a great energy guy. And I’ve always felt that’s one thing we’ve always lacked since I’ve taken over at Ginebra…We’re gonna miss that if we lose him.

“It’s back to the drawing board…We have to huddle our heads with management and figure that out,” aniya. – Marivic Awitan