DSCPI midyear ranking, lalarga sa Philsports

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Isasagawa ng DanceSport Council of the Philippines (DSCPI) ang 2016 DSCPI Midyear Ranking and Competition sa Hulyo 23, sa Philsports Multi-Purpose Arena sa Pasig City.

Ayon kay DSCPI President Becky Garcia, may kabuuang 296 na DanceSport athlete ang sasabak sa ranking competition na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Flawless, Michelle Lee, Muebles Italiano, Manila Pianos Inc., Caruso Ristorante Italiano, Vitug Beach Resort, Villa Brockman, Giordano, Retro DCG-FM 105.9 at The Greenery Bulacan.

Makikibahagi bilang observer at hurado ang anim na World DanceSport Federation licensed adjudicators na sina Liudmila Zakrzhevskaia mula sa Kyrgyzstan, Chi Keung Simon Mok ng Hong Kong, Young-Tak Park ng Korea, Boon Lan Ivy Por ng Malaysia, Mary Yeh ng Chinese Taipei, at Igor Jagersky ng Slovakia.

Kinatawan naman ng bansa sina adjudicators Edgardo Borromeo, Crisaldo Rendon, at Julie Plummer.

Para sa mga interesadong makapanood, mabibili ang tiket sa DanceSport Training Center sa Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City at makipag-ugnayan kina Anna at Lorien sa 637-2314.