Gimikerong mag-boyfriend

Filed under Blind Item Balita RSS RSS Feed

AWAY-BATI ang drama ng magdyowang aktor at aktres pero ang ipinagtataka ng mga taong nakapaligid sa kanila, bakit sa tuwing may bagong project ang aktres ay natataong hiwalay sila ng boyfriend niya.

Iniisip tuloy ng iba na baka gumigimik lang ang magdyowa para mapag-usapan sila nang husto.

Dumating din sa punto na muntik nang magdemandahan daw kuno ang dalawa dahil sa grabeng away nila na nadamay ang pamilya, pero kalaunan ay nagkasundo rin naman at sweety-sweety ulit.

Ngayong abala ang aktres sa bago niyang project, balitang hindi na naman sila okay ng boyfriend niya pero wala namang ibinigay na dahilan.

Sa ngayon, enjoy na enjoy si Aktres sa taping niya sa malayong lugar kasama ang aktor na kilalang babaero at mahilig mangalabit sa mga nakakasama sa project.

Kuwento ng taga-production na may hawak ng project, sweet daw ang dalawang bida sa location at napapansin nilang parati silang magkasama kahit malalim na ang gabi at tapos na ang shoot, tsikahan pa rin nang tsikahan with matching wine on the side.

“Maginaw kasi sa location, siguro gusto nilang magpainit kaya may wine at hindi mo naman mare-resist ang view ng lugar, sobrang ganda at guwapo at maganda rin naman silang dalawa (aktor at aktres),” sabi sa amin. –Reggee Bonoan