Meg at Cesar, bagong kasali sa ‘Probinsyano’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MEG copy

FINALLY, may love interest na si Pepe Herrera alyas Benny sa FPJ’s Ang Probinsyano, si Meg Imperial na bagong pasok sa serye ni Coco Martin sa papel na estudyante at gustong magtrabaho para matustusan ang pag-aaral pero hindi tinanggap sa pinag-aplayang restaurant.

Mala-Born For You ang unang pagkikita nina Benny (Pepe) at Maribel (Meg) na nagkabanggaan sa may pinto at nagkabuhol-buhol ang tali ng ID nila na kulay pula rin. Hindi invisible strings ang sa kanila.

Love at first sight ang naramdaman ng sidekick ni Cardo (Coco) sa bagong guest nila at malalaman sa mga susunod na episode kung ano ang kahihinatnan nina Benny at Maribel.

Samantala, base sa napanood namin noong Lunes ay pasok na si Cesar Montano sa Ang Probinsyano bilang bagong kalaban ni Coco.

Sey ni Cesar, alam na niya ang bawat galaw ni Cardo kaya siya na marahil ang makakatapat ng Ang Probinsyano pagdating sa aksiyon.

Nananatili sa number one slot na abot 40% plus sa ratings game ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya tuloy laging ganado ang lahat ng involved sa production sa tapings nila. (REGGEE BONOAN)