Vilma, mas madaling makakagawa ng pelikula bilang congresswoman

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

VILMA AT LUIS copy

ILANG araw na lang ay tapos na ang pagiging Batangas governor ni Vilma Santos na naghahanda naman para harapin ang panibagong responsibilidad bilang unang congresswoman ng bagong tatag na 6th District ng probinsiya.

Biro ni Ate Vi, wala nang tatawag sa kanyang Gov. Vi at ang gusto naman niyang itawag sa kanya ay ‘congee’.

Mula sa siyam na taong paninilbihan bilang Lipa City mayor, siyam na taon ding naging gobernador ng Batangas si Ate Vi, at ngayon ay pagiging mambabatas naman ang magiging tungkulin. Banggit niya, mas magaan ang bagong responsibilidad niya kumpara sa naunang dalawang posisyon.

Kaya mas madali raw siyang makakagawa ngayon ng pelikula.

“Nasa showbiz pa rin naman ang puso ko. Kahit iba na ang designation ko ngayon, eh, hindi ko na p’wedeng iwanan ang showbiz. Utang na loob ko sa showbiz kung saan man ako ngayon. Same pa rin naman, I might do one movie every two years,” seyng Star for All Seasons.

Last movie ni Ate Vi ang Everything About Her sa Star Cinema na naging super blockbuster. Aniya, ang next movie niya ay maaaring sa Star Cinema pa rin.

Samantala, dedma muna siya tungkol sa napapabalitang relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Pagdating sa lovelife ng panganay niya ay wala naman daw siyang karapatang makialam. (Jimi Escala)