Mga Sang’gre ng ‘Encantadia,’ handa nang makipaglaban

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kylie Padilla - Amihan (2) copy copy

NAGING popular icons sila sa televiewers mahigit sampung taon na ang nakalilipas.

Ngayong 2016, battle mode on na uli ang mga Sang’gre ng Encantadia upang pangalagaan ang kanilang mga brilyante.

Sa 24 Oras nitong nakaraang Lunes, ipinakita na sa publiko ang kanilang eleganteng warrior costumes at ang handang-handa nang lumaban si Sang’gre Amihan na gagampanan ni Kylie Padilla sa kanyang blue warrior suit at sword; mambibighani si Gabbi Garcia bilang Sang’gre Alena sa suot niyang green warrior costume; sexy at racy ang peg ni Sanya Lopez bilang Sang’gre Danaya sa kanyang warrior suit na may arnis weapon; at hot and fierce with her kambal na sandata na siklab at baga si Glaiza de Castro bilang Sang’gre Pirena.

Ayon sa GMA-7 insiders, nakatakdang mag-pilot ang Encantadia sa susunod na buwan.