Ipinaburang tattoo ni Angel, may kaugnayan kay Luis?

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Angel copy copy

NANINIWALA ang fans ni Angel Locsin na parte ng moving on process sa break-up nila ni Luis Manzano ang ipinost niyang video sa social media na kuha sa pagpapaalis niya ng tattoo sa wrist.

Kahit hindi pangalan ni Luis ang tattoo na ipinaalis ni Angel, ang feeling ng kanyang fans, ‘pag totally nawala ang tattoo, makakatulong iyon ng malaki para tuluyan nang maka-move on ang aktres.

Curios lang ang fans ni Angel kung bakit hindi sa Belo Medical nagpaalis ng tattoo si Angel kundi kay Dra. Aivee Teo ng Aivee Clinic. Tanong tuloy ng fans kundi ba close ang aktres kay Dr. Vicky Belo?

Sumailalim si Angel sa tinawag na Pico Enlighten at uulitin ang proseso hanggang tuluyang maalis ang tattoo in Hebrew na ang ibig daw sabihin ay, “Always have and Always will.”

In fairness, nagpaalis lang ng tattoo si Angel, umabot na sa 78,817 ang views ng video at umabot sa 275 ang comments.