PPC, papalit sa PhilSpada

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Kikilalanin na ngayon ang dating Philippine Sports Association for the Differently Abled—National Paralympic Committee of the Philippines (PhilSPADA-NPC Philippines) bilang Philippine Paralympic Committee (PPC).

Ayon kay PPC president Mike Barredo, pinalitan nila ang pangalan ng organisasyon para mas mapalawak ang sakop ng asosasyon sa iba’t ibang grupo para sa special athletes.

Kinilala ang PPC ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay PSC Chairman Richie Garcia, responsibilidad ng PPC ang pagbuo ng koponan at pagpili ng mga atleta na isasabak sa Southeast Paragames, Asian ParaGames at ParaLympics.

Matatandaan na napabilang na rin ang mg atletang may kakulangan sa physical na katauhan sa bagong batas na Republic Act 10699 na nagbibigay ng cash incentives sa mga atletang nagwawagi sa international meet.

Nakapaloob din sa bagong batas ang pagbibigay ng buwanang allowance sa mahigit na 100 differently-abled athletes na nasa pangangasiwa ng PPC. (Angie Oredo)