Filipino Weather Channel, mapapanood na

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Nagdaos ang Department of Science and Technology (DOST) ng soft launching ng DOSTv, The Filipino Weather Channel, nitong Lunes sa central office ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Quezon City.

Unang inilunsad noong 2013, mapapanood na ngayon ang DOSTv sa pamamagitan ng livestreaming sa www.dostv.ph/youtube at www.dostv.ph.

Ang studio nito ay matatagpuan sa PAGASA. Bilang broadcasting system ng weather bureau, ang DOSTv ay isa sa mga plataporma ng ahensiya upang maibsan ang mga kalamidad at mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko.

Bukod sa real-time weather updates, ipapalabas din sa DOSTv ang mga panayam, bulletin, public announcement, trivia segment at short documentaries. Sa DOSTv, matutuhan din ng mga manonood na suriin kung kakayanin ng kanilang mga bahay ang lindol.

Sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevara na ang weather-related information mula sa Diwata-1, ang unang microsatellite ng bansa, ay ibabahagi rin sa pamamagitan ng DOSTv. (PNA)