‘Everything About Her’, nasa Sky pay-per-view ngayong Hunyo

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Everything about Her (LEFT PICTURE) copy

MAPAPANOOD na sa cable TV ang Star Cinema film na Everything About Her, sa buong buwan ng Hunyo in high definition sa Sky pay-per-view makalipas lamang ang ilang buwan simula nang ipalabas sa mga sinehan.

Umiikot ang Everything About Her sa kuwento ni Vivian (Vilma Santos), isang successful businesswoman na nasuring may sakit na cancer at ng private nurse na si Jaica (Angel Locsin). Sa pagpasok ni Jaica sa buhay ni Vivian, biglang lalawak ang papel na gagampanan niya sa buhay ng kanyang amo –ang maging tulay para mas mapalapit si Vivian sa anak nitong si Albert (Xian Lim).

Nabihag ng pelikula ang milyun-milyong Pilipino sa buong mundo na nagtulak para pumalo ito ng mahigit sa P200 milyong kita sa box office.

Tumawa at umiyak kasama ang buong pamilya sa Everything About Her ngayong Hunyo sa SkyCable at Destiny Cable pay-per-view. Para mag-subscribe sa three-day movie access na mapapanood sa high definition (HD) o standard definition (SD), pumunta sa http://mysky.com.ph/everything”>mysky.com.ph/everything o i-text ang SUBSCRIBE 9-digit account number to 23662. P99 lamang ang pay-per-view ng pelikula.

Matututukan din ang pelikula ng SkyBroadband subscribers na nag-subscribe sa pay-per-view sa kanilang iba’t ibang gadget gamit ang Sky on Demand.

Maaaring mapanood ng SkyCable at Destiny Cable subscribers sa Metro Manila, CAMANAVA, Rizal, Cavite, Laguna, San Jose del Monte Bulacan, Cebu, Baguio, Iloilo, Bacolod, Davao, Dumaguete, at General Santos ang Everything About Her.

Layunin ng SkyCable na mas patatagin ang pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalibreng mga pelikula at programa sa bawat tahanan. Mother company ng Sky Cable Corporation ang ABS-CBN, ang leading media and entertainment organization sa bansa.