Lalaki, tinodas ng stepson

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

BAGUIO CITY – Patay ang isang lalaki matapos siyang saksakin nang pitong beses ng kanyang stepson na nagtanggol sa pag-aaway nilang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dontogan, Baguio City.

Kinilala ni Senior Supt. George Daskeo, hepe ng Baguio City Police Office, ang biktimang si Reynaldo Dayday Forto, 48, tubong Laguna, samantalang pinaghahanap na ng pulisya at kinasuhan na rin si Bonjovi Ruiz Jovellano, 22, massage therapist.

Sa imbestigasyon, dakong 1:30 ng umaga nitong Linggo nang nadatnan ng suspek na inaaway ng biktima ang kanyang ina na si Myra Ruiz at sakal-sakal ang ginang.

Inawat ng suspek ang step father, pero sa halip na paawat ay kumuha ito ng kutsilyo at tinangkang saksakin si Jovellano.

Nagawang maagaw ng suspek ang kutsilyo at sinaksak ang amain. (Rizaldy Comanda)