Home Catalogue Shopping Inc., pinasaya ang loyal customers

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Sa pagnanais na maipagpatuloy ang maginhawang pamimili at mapasaya ang mga tapat nilang kliyente, idinaos kamakailan ng Home Catalogue Shopping Inc. ang ikalimang awards event sa Alba Restaurante Español sa Mall of Asia Complex sa Pasay City.

Ang Home Catalogue Shopping Inc. ay isang catalog-based distance-selling retail company sa Pilipinas. Hatid nito ang mga de-kalidad na produkto, tulad ng mga gamit sa bahay, health and beauty items, gift items at home appliances.

Sa awards event, tumataginting na P1.5 milyon ang napanalunan ng grand prize winner na si Corazon Salvo, retirado, ng Cubao, Quezon City. Nag-uwi naman si Rogelio Bulatao ng P250,000; P50,000 kay Remedios Torres; at P50,000 kay Jesus Gingone.

Sinalubong ni Home Catalogue Shopping Inc. CEO Henry Lindberg ang mga bisita at nagpasalamat sa walang-patid na suporta ng mga mamimili at kasosyo sa negosyo. “We are very excited for 2016. We will be offering more products that our customers will enjoy. For the rest of the year, you can be sure that we will continue to hold more promotions for our valued clients. Everyone will get a chance to win.”

Sa mga interesadong mamili at para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa (02) 273-7777.

  • Floriss Bueno Belo

    May isang buwan na ang order ko hangngan ngayon wala pa, panay ang pangako nio! Pls. Lang pakideliber nman. Nnggalit na yon nagbayad ng order. Pinadala sa banko at naresib na po nio ang bayad….!