Cast ng ‘The Promise of Forever,’ paspasan na ang shooting sa Europe

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

RITZ AT ALYANA copy

KASALUKUYANG nasa Belgium sina Paulo Avelino, Nico Antonio, Yana Asistio, Ejay Falcon at Ritz Azul para sa shooting ng seryeng The Promise of Forever na ipalalabas ngayong taon sa ABS-CBN handog ng Dreamscape Entertainment.

Sa story conference ng cast ng The Promise of Forever kamakailan ay nabanggit na sa cruise ship magkakakilala ang karakter nina Ritz at Paulo at doon nabuo ang kanilang love story samantalang si Ejay na kababata ng aktres ang role ay katrabaho rin niya sa barko.

Nabanggit din sa storycon na sa iba’t ibang bansa sa Europe kukunan ang serye kaya excited ang buong cast. Ang The Promise of Love ang unang Pinoy serye na nag-shoot sa Prague, capital at largest city ng Czech Republic. Last Saturday, may mga eksena na silang nakunan sa Amsterdam.

Pinaka-excited yata si Ritz dahil first time niyang makarating ng Europe. Kaya naman kitang-kita sa mga litratong ipinost ng Dreamscape sa Instagram na panay ang picture niya sa magagandang lugar na pinupuntahan nila.

Right timing talaga ang paglipat ni Ritz sa ABS-CBN, nagkaroon siya ng career path, kaya sana ay pagbutihin niya.

Nai-post din sa IG na noong Mayo 17 ay nag-courtesy call sina Ritz, Yana, Ejay at Nico kay Czech Republic Ambassador Jaroslav Olsa, Jr. bago sila nag-shooting sa nasabing bansa.

Nabanggit ni Ambassador Olsa na maging successful sana ang partnership nila ng ABS-CBN, “(to) bring more Filipinos to visit our beautiful Czech Republic.”

Sabi ni Katotong Rohn Romulo na nakarating na sa nasabing bansa, napakaganda ng Prague at gusto niya uling bumalik dahil napakabait daw ng mga tao roon.

No wonder, halatang enjoy na enjoy ang buong cast ng The Promise of Forever sa bawat photo na ipino-post ng Dreamscape. (REGGEE BONOAN)