Batang lumaki sa isang ama at dalawang ina, tampok sa ‘MMK’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MMK_RAIKKO AT PRECIOUS LARA copy

PAMILYA ang humuhubog sa ating pagkatao mula pagkabata hanggang lumaki, ngunit paano kung hindi normal ang kinagisnang tahanan?

Ito ang mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi sa itatampok na ng kuwento tungkol sa kakaibang pamilya ni Rommel na gagampanan nina Raikko Matteo bilang paslit at ni Diego Loyzaga nang maging binata na.

Sa iisang bubong, kasama niyang nakatira ang kanyang inang si Mila (Precious Lara Quigaman), ama na si Rody (Jay Manalo), at ang asawa nitong si Bita (Andrea del Rosario).

Kahit pilit na kinukumbinsi nina Mila at Bita si Rommel na masuwerte siya sa pagkakaroon ng dalawang ina, madalas siyang tinutukso ng kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang kakaibang pamilya.

Naguguluhan man sa kumplikadong relasyon ng kanyang mga magulang, parehong ina ang turing ni Rommel kina Mila at Bita.

Ngunit dahil sa pagmamalupit ni Rody ay napilitan si Bita na iwan ang kanilang kumplikadong sitwasyon. Paano tatanggapin ni Rommel ang pagkasira ng pamilyang kanyang kinalakihan?

Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina Gerard Pizzaras, Alex Castro, Lance Lucido, at Veyda Inoval, mula sa iskript ni Benson Logronio at sa direksiyon ni Dondon Santos, sa ilalim ng business unit ni Malou Santos.

Huwag palampasin ang MMK, ang longest-running drama anthology sa Asya, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.