Martin, may fundraising concert para sa leukemia patients

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA Mayo 24, 2016 itatanghal ang special concert na pinamagatang Journeys with Martin Nievera sa Samsung Hall ng SM Aura Premier, Bonifacio Global City, Taguig City.

Gagamitin ng Concert King na si Martin Nieverra, ang best crooner at all-around good guy sa bansa, ang kanyang kahusayan sa pag-awit para sa one-of-a-kind benefit concert para sa EPCALM Adult Leukemia Foundation of the Philippines.

Sa ika-11 taon nito, ang EPCALM ay natatanging non-profit organization sa bansa na nakatuon sa pagtulong sa mga pasyenteng nakikipaglaban sa leukemia, at maging sa pagbibigay ng lakas ng loob sa kani-kanilang pamilya.

Ang Journeys… ay tungkol sa pagbibigay ng pag-asa sa mga kababayan nating may sakit — sa kanilang paglalakbay tungo sa kabuuan — na mas malusog at mas masaya. Hayaang pagaanin ni Martin ang inyong mga problema at alalahanin sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

Gaya nga ng sinabi ni Martin na isang honorary EPCALM Board Member: “I sing; you save.”

Ayaw-araw ay nakakatanggap ang EPCALM ng mga request for assistance. Ang kikitain sa concert ay mapupunta sa EPCALM Hope Fund, na inilunsad noong Abril 1 2016, upang maipagpatuloy ang iba’t ibang serbisyo ng EPCALM, at maiangat ang kinakailangang pondo na nakalaan para sa mga pasyenteng may leukemia at sa kanilang pamilya.

Mabibili ang ticket sa SM Cinemas at SM Supermalls. At para naman sa mga nais bumili online, bumisita lamang sa smtickets.com/events/view/4431.