Zanjoe, naka-move on na sa hiwalayan nila ni Bea

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NAKA-MOVE ON na si Zanjoe Marudo sa naging break-up nila ni Bea Alonzo na inakala ng marami na makakatuluyan na niya.

Ilang taon din silang naging magkasintahan at malayu-layo na rin sana ang narating ng kanilang relasyon, pero kagaya ng iba pang showbiz couples ay sa paghihiwalay pa rin ang ending nila.

“Moved on na,” sabi ni Zanjoe nang makorner namin siya sa malapit sa studio ng Tonight With Boy Abunda. “Hindi na nga dapat itanong ang mga bagay na ‘yan.”

Banggit pa ng actor, kahit sa hitsura niya ay kitang-kita naman daw na naka-move on na nga siya.

“Basta happy ako ngayon kung ano ang nangyayari sa akin. Happy ako sa buhay ko and ‘yun ang importante roon.

Tuluy-tuloy pa rin ang career,” banggit pa ng actor.

Ayon pa kay Zanjoe, kahit ganoon ang nangyari sa relasyon nila ni Bea ay magkaibigan pa rin sila. Kaya walang problema kung sakali mang magkasalubong sila saan mang lugar o sa anumang okasyon.

“Okey naman kami. Kapag magka-text kami, normal naman. Parang walang nangyari. So, siguro masasabi ko na kapag magkikita kami, sa isang lugar, hindi kami mag-iiwasan. Bakit naman, di ba? Basta okey kami, hindi ‘yung may kaba o may takot na baka any moment, eh, magkakasalubong kami,” saad pa ng actor.

Ayaw magsalita ni Zanjoe tungkol sa posibilidad ng pagbabalikan nila ng dating kasintahan. Pero pareho silang single ngayon.

“Hindi natin masasabi ‘yan. Basta ang importante lang, eh, hindi kami magkakaaway, di ba? So, maraming p’wedeng mangyari,” may ngiting banggit ni Zanjoe Marudo. (Jimi Escala)