Pia at Dr. Mike, nagkalabuan na?

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

PIA AT DR. MIKE copy

MUKHANG may gusot o hiwalay na si Miss Universe 2016 Pia Wurtzbach at si Mikhail “Dr. Mike” Varshavski dahil nag-post siya noong Sabado ng, “Boy, I’m a prize not a catch.”

Pagkatapos ng helicopter date nina Pia at Dr. Mike pagdating ng una sa New York City, wala na uling narinig mula sa dalaga. Binisita namin ang IG account niya at wala na rin siyang post na magkasama sila ng guwapong doktor.

Ang nagkakaisang sinasabi ng followers ni Pia, si Dr Mike ang pinatatamaan niya. Nagbibigay din sila ng kani-kanilang opinyon. Naririto:

“See? A crown is NOT a guarantee na tototohanin ka na! Knowing men, kahit anong lahi, mas gusto pa rin ng mga yan yung mga babaeng low profile lang.”

“Pia pahirapan mo! Make him realized that you’re worth keeping and fighting, loving for ☺.”

“’Yung mga past winners ng Miss Universe walang ganyan na emote during reign nila, siya lang talaga kasi inuna pa ang lovelife bago ang work.”

“Pagbigyan n’yo na si Pia. Kung ako din siya grab ko lang lahat ng opportunity na darating sakin. Next James Franco naman.”

Nakakatuwang magbasa ng mga komento ng followers ni Pia dahil halatang malalakas din ang personality at may kanya-kanyang point of view.

Anyway, hintayin na lang sa mga susunod na araw kung ano ang next post ng ating Miss Universe tungkol sa kanila ni Dr. Mike.

Hmmm, handa ka na ba, Sam Milby? (Reggee Bonoan)