Luis, ‘di nagpapadala ng private messages kay Maine

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MAINE_pakigamit ang naka-red copy

MARIING itinanggi ni Luis Manzano ang isyung nagpapadala raw siya ng private messages sa Twitter account ni Maine Mendoza.

May loyal supporter kasi ang AlDub na nag-post sa Instagram na kesyo panay daw ang pagpapadala ng kung anu-anong mensahe ni Luis sa ka-love team ni Alden Richards.

Ayon kay Luis, imposible ito dahil hindi naman sila personal na magkakilala ni Maine Mendoza.

Pinalalabas pa na may balak daw si Luis na ligawan si Maine dahil panay daw ang tanong niya kung may karelasyon nang iba si Alden.

Sabi ni Luis, nagulat siya nang makarating sa kanya ang isyung ito, pero ayaw na lang niyang patulan.

Pero nilinaw ni Luis na hindi niya pinangarap na maging kontrabida sa isa sa pinakasikat love team ngayon sa bansa na nagsu-shooting sa Italya ngayon.

Pero isang mahiwagang ngiti ang isinagot ni Luis nang tanungin namin kung liligawan ba niya si Yaya Dub kung walang Alden sa buhay nito.

Samantala, labis-labis ang pasasalamat ni Luis sa mga botante na sumuporta sa kanyang inang si Vilma Santos-Recto at Tito Ralph Recto na nagwagi sa katatapos na halalan. At kahit hindi raw pinalad na mapasama sa top 12 ng mga nagwaging senador ang amang si Edu Manzano ay pinasalamatan din naman ni Luis ang mga bumoto sa ama.

“Well, maraming eleksiyon pa rin namang darating. Kung si Richard Gomez nga, eh, hindi niya sinukuan ang eleksiyon kaya hayun isa na siyang mayor ng Ormoc City,” napatawa pang banggit pa rin ni Luis. (jimi escala)