Hayden Kho, ipinakilala na sa publiko ang anak nila ni Dra. Vicki Belo

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HAYDEN AT SCARLET SNOW copy

ITO ang post ni Hayden Kho sa kanyang Instagram account nitong nakaraang Linggo ng gabi:

“I guess God knew fatherhood would change me completely and bring me closer to being the kind of man He always wanted me to be, so He sent me and Vicki (Belo) an angel who is to be our lifelong inspiration. Ladies and gentlemen, meet our daughter, Scarlet Snow@scarletsnowbelo.

Matatandaang isinulat namin last week ang panayam namin kay Direk Quark Henares, unico hijo ni Dra. Belo, at nabanggit ang matagal nang plano ng mommy niya at ni Hayden na magkaroon ng anak.

Nadulas pa nga si Direk Quark na may “little sister” na raw siya at saka tumawa ng malakas at hintayin na lang daw na ang mom Vicki at si Hayden ang magbigay ng statement tungkol dito.

Matagal na naming nababalitaan na kinokonsidera nina Dra. Vicki at Hayden na umupa ng suroggate mother para sa magiging anak nila at heto nga, finally inamin na ng guwapong doktor na may Scarlett Snow na sila.

Hindi binanggit ni Hayden kung paano nabuo si Scarlett Snow para siguro wala nang maraming tanung-tanong pa, pero marami ang nakahula na galing sa semilya nila ni Dra. Vicki kaya nabuo ang magandang bagets.

Hindi binanggit kung ilang buwan na si Scarlett Snow pero bongga ang bagets dahil siya ang endorser ng baby products ng Belo Medical Group at may malaking billboard sa Morato, Quezon City. (REGGEE BONOAN)