Baron Geisler, beastmode sa viral video

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BARON copy

MARAMI ang dismayado sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan ni Baron Geisler. Inakala kasi ng ilang netizens na unti-unti nang nagbabago ang aktor mula sa mga pinagdaanang isyu gaya ng kaso sa anak nina William Martinez, ang pambabastos kay Cherrie Pie Picache, at bugbugan incident involving a club bouncer.

This time, sa isang UP student naman nakipagbunuan si Baron na mapapanood sa isang viral video sa social media.

Sa video na ipinost sa Facebook ng Viscom-Fine Arts student na nagngangalang Khalil Versoza noong Sunday afternoon, makikita ang actor sa video na sinisigawan at akmang susuntukin ang UP student na puwersahan niyang hinablot sa ulo at pilit ni-wrestling ito.

Sa panayam kay Khalil, aniya’y nagpapaliwanag siya sa video kay Baron dahil sa pagkaka-delay ng script. Si Baron kasi ang napili nilang gumanap sa kanilang short video at kinunan nila ito bilang bahagi ng kanilang homework tungkol sa social experiment.

Pero ilang oras nilang pinaghintay ang aktor para makuha ang nasabing script na inayos pa, at iyon ang naging cause of delay.

“Pero nagpaparinig na siya na sana kasi maaga ‘binigay ‘yung script, so nag-sorry pa rin kami kasi alam naman namin na kasalanan namin,” sabi ni Khalil.

Hindi raw ganoong trato ang inasahan nila mula kay Baron na kinikilala nila bilang mahusay na actor.

“It’s not right to pick on us, we’re a still student prod, we put our hearts into this production and advocacy, kahit ako pa ang nagwaldas ng pera para lang mabayaran ‘yang TF niya, wala talaga kaming budget at nagkaroon pa ng kaunting aberya,” paliwanag ni Khalil na nakasaad sa kanyang post.

Dagdag pa niya, “Baron Geisler, wala kang karapatan na mag-beastmode, kaya sa tingin ko na dapat kong i-post ito para makita ng lahat na mali ‘yang ginagawa mo,” mensahe pa niya sa aktor.

May ilang industry people na nagpapalagay na maaaring ang naturang viral video na mismo ang social experiment project ng UP student.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata. (ADOR SALUTA)