3 extortionist, tiklo sa entrapment

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Tatlong hinihinalang extortionist ang pansamantalang nakadetine dahil sa robbery extortion matapos nilang biktimahin ang isang 49-anyos na lalaking taga-Baguio City.

Ayon sa report, tinatakot nina Arnel Dulay, 21; Joey Dulay, 44; at isang 17-anyos na lalaki, pawang taga-Gerona, ang biktima na ipo-post sa Internet ang hubad nitong larawan kapag hindi nagbigay ng P1,500 na idadaan sa money transfer, nitong Abril 27 at 29.

Mayo 2 nang muling tinakot ng mga suspek ang biktima at muling nanghingi ng P1,500.

Dahil dito, nagpasaklolo na sa awtoridad ang biktima at ikinasa ang entrapment operation sa Gerona, Tarlac. – Leandro Alborote