Tulak, arestado sa buy-bust

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Hindi nasayang ang pagmamanman ng mga pulis sa isang matinik na drug pusher makaraang masakote ito sa Sitio Urquico, Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Sa pangunguna ni Senior Insp. Milo Abriam, hepe ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG), inaresto si Criselda Paz, 41, dalaga, ng nasabing barangay.

Umaktong poseur buyer, nakakumpiska si PO2 Vincent Lugtu mula kay Paz ng isang transparent plastic sachet na may 0.052 gramo ng hinihinalang shabu, at P500 marked money.

Sa interogasyon, nakumpiskahan pa ang suspek ng tatlo pang transparent plastic sachet na may 0.060 gramo, 0.116 gramo, at 0.023 gramo ng shabu. – Leandro Alborote