US: $429-M lottery jackpot, natsambahan

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

Iisang ticket ang nakatsamba sa mga numerong binola nitong Sabado ng gabi para sa multi-state Powerball jackpot na umaabot sa nakalululang $429.6 million, ang ikasiyam na pinakamalaking U.S. lottery prize sa kasaysayan.

Ang mga masuwerteng numero sa Powerball 9 ay 25, 66, 44, 5, 26. Sinabi ng lottery officials na isang ticket, na binili sa New Jersey, ang nakatsamba sa nasabing number combination, ayon sa media reports.

Hindi kinilala ang nanalo, na karaniwan nang inaabot ng ilang buwan bago lumantad.

Ang tsansang manalo sa Powerball ay isa sa 292 milyon. – Reuters