Tanod, kinursunada; binaril sa leeg

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

BAMBAN, Tarlac – Nakaratay ngayon sa pagamutan ang isang barangay tanod na magsasaka matapos siyang makursunadahang barilin ng isang hindi nakilalang lalaki sa Sitio Canuman, Barangay Anupul, Bamban, Tarlac.

Malubha ang tama sa leeg ni Santiago Bacurio, 59, na unang isinugod sa Divine Mercy Hospital sa Bamban bago inilipat sa isang pagamutan sa San Fernando, Pampanga.

Sa imbestigasyon ni PO2 Febmier Azura, nangyari ang pamamaril dakong 6:45 ng gabi. Nag-aalis noon ng balat ng saging si Bacurio sa kanyang bakuran nang bigla siyang barilin ng suspek.

Sinabi ni Bacurio na wala siyang alam na kagalit at posibleng napagtripan lang siya ng suspek. (Leandro Alborote)