Sekyu, tinodas sa saksak

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

CABANATUAN CITY – Patay na nang idating sa pagamutan ang isang 45-anyos na security guard makaraang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng binabantayan nitong Syquio Business Compound sa Barangay Daan Sarile sa lungsod na ito.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang dahilan ng pagpatay kay Larry Primero Jr., y Villaba, may asawa, ng Bgy. Lennec, Guimba, Nueva Ecija. Nagtamo siya malalim na saksak sa dibdib.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joel Mendoza, dakong 3:10 ng umaga nang mangyari ang krimen. (Light A. Nolasco)