Pasahero sa trike, hinabol ng snatcher

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TARLAC CITY – Isang babaeng pasahero sa tricycle ang hinabol pa ng mga kawatang nakamotorsiklo para maagaw ang bag nito sa barangay road ng Barangay San Juan Bautista, Tarlac City.

Sa report ni PO3 Wilson Ducusin, na-snatch kay Maricar Aquino, 21, dalaga, ng Bgy. San Vicente, Tarlac City ang isang Samsung Duos cell phone na nagkakahalaga ng P3,000, P1,500 cash, BDO ATM card, at school ID.

Dakong 9:45 ng umaga, sakay si Aquino at ilang kaanak sa tricycle at bumibiyahe patungong Tarlac City nang isang Yamaha Mio motorcycle na walang plaka ang sumunod sa kanila at inagaw ang bag ng biktima na nakaupo sa likuran ng driver. (Leandro Alborote)