Lady trader, pinagtataga ng ama

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

TALAVERA, Nueva Ecija – Kasong attempted parricide ang isinampa ng isang 35-anyos na babae laban sa sarili niyang ama makaraan siyang paghahatawin nito ng itak sa kainitan ng kanilang pagtatalo sa Purok 5 sa Barangay Bacal II sa bayang ito, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Talavera Police ang biktimang si Mary Joan Santos y Marco, palay trader, habang ang suspek ay ang ama niyang si Donald Marco y Suba, 60, kapwa ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Reynaldo Cayog, Jr., dakong 7:30 ng gabi nang kumprontahin ng suspek ang anak kung bakit maraming nagkukumpuni sa truck na pinagtalunan nila, hanggang sa umano’y murahin, sampalin, itinulak, at pagtatagain ni Donald ang anak.

Nagawa namang maagaw ng asawa ng ni Mary Joan ang itak mula sa biyenan, na kalaunan ay dinakip ng mga rumespondeng barangay tanod. (Light A. Nolasco)