Fetus sa paper bag, iniwan sa simbahan

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Isang duguang fetus, na isinilid sa loob ng paper bag, ang natagpuan ng isang janitor sa pagkakasiksik sa likod ng pangunahing pintuan ng Sta. Cruz Church sa Maynila nitong Biyernes.

Ayon kay homicide police investigator, PO3 Alonzo Layugan, hapon nitong Biyernes nang mabigla ang janitor nang makita ang duguang paper bag sa likod ng main door ng simbahan.

Sinabi ng pulisya na nasa apat hanggang limang buwan na ang fetus, bagamat hindi tinukoy sa police report ang kasarian nito.

Ayon kay Layugan, walang CCTV unit ang simbahan, kaya mahihirapan siyang tukuyin ang pagkakakilanlan ng nag-iwan ng fetus sa bukana ng simbahan. (Jenny F. Manongdo)