Kris, dalawang buwan na magbabakasyon sa ibang bansa

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KRIS copy

AALIS pala uli ng Pilipinas sina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby. Ini-reveal ito ni Kris sa followers niya sa Instagram at nagsilbing paalam na rin niya dahil may followers siya na nagtatampo kapag basta na lang siya nawawala nang hindi nagpapaalam.

Post ni Kris na nabasa ng 2.6M followers niya: “I’ve been working nonstop because after voting on Monday, my sons & I will be leaving for more than 2 months. I am super grateful to all my endorsements for the continued faith they have in me… Because of them, I am going to be able to just focus on being a mom. It’s really the best Mother’s Day gift I could have ever been given.”

Hindi sinabi ni Kris kung saan sila pupunta ng kanyang mga anak at agad nagpahayag ng kalungkutan ang fans niya na matagal siyang mawawala sa bansa.

Samantala, isa si Kiko Pangilinan sa senatoriable na sinusuportahan ni Kris at matutuwa si Kiko, si Sharon Cuneta at ang buong Pangilinan family sa ginawa ni Kris na ipinost ang full video ng TVC ni Kiko. Napakaganda rin ng comment ni Kris tungkol kay Kiko.

“Kiko Pangilinan was so instrumental in mounting a lot of my Luzon campaign caravan for Noy in 2010. He was also so helpful to my cousin @bamaquino’s 2013 campaign. I text him today & asked if I could have photos to make a short video endorsement for him. On KrisTV we’ve gotten to feature Mesa (the restaurant chain he co-owns) & Sweet Spring Country Farm in Alfonso, Cavite w/c he & megastar Sharon own. I’m so impressed with Mesa’s growth & Kiko’s commitment to organic farming, and sustainable livelihood for our farmers through government educational training & assistance. We need him back in the senate! @kiko.pangilinan has my vote on Monday.” (NITZ MIRALLES)