• RSS for Posts
  • Follow on Twitter
  • Connect on Facebook
  • | Manila Bulletin | MBCN | Tempo |
  • Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
    Null
    • Home
    • Balita
      • Breaking News
      • Features
      • Nacional / Metro
      • Dagdag Balita
      • Daigdig
      • Kalusugan
      • Probinsya
      • Balita Archive
    • Showbiz atbp.
      • Blind Item
    • Sports
      • Basketball
      • Boxing
      • Golf
      • MMA
        • ONE Championship
        • UFC
      • Tennis
      • Volleyball
    • Opinyon
      • Editoryal
      • Kolumnista
    • Libangan
      • Kung bukas pa ang kahapon
      • Hulascope
      • Sosyalan
      • Komiks

    SALAT SA KATAPATAN

    May 2, 2016 Filed under Kolumnista Posted by Balita Online Balita RSS RSS Feed

    Share this:

    • Tweet
    • Email
    • Print

    INAMIN na ni presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may deposito siya sa BPI Julia Vargas branch na aabot sa kulang-kulang P200 milyon. Nauna rito, ipinagkaila niyang mayroon siyang bank account dito. Non-existent ito, aniya, nang ibunyag ni Sen. Trillanes na may bank account siya sa nasabing bangko na hindi niya ideneklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). Pero, nang mapatunayan na buhay ang nasabing bank account, kaunti lang daw ang laman nito.

    Ang P200 million na inamin ng alkalde na laman ng kanyang bank account ay hindi nalalayo sa hlagang P227 million na sinabi ni Sen. Trillanes na talagang halaga ng kanyang deposito. Marahil ginawa niya ang pag-amin dahil tinanggap niya ang hamon ng senador na magkita sila ngayong Lunes sa bangko para busisiin ang kanyang bank account. Baka matuloy, lalabas na naman na hindi totoo na kaunti lamang ang laman ng kanyang bank account ‘tulad ng nauna niyang tinuran. Makababawas na naman ito sa kanyang kredebilidad.

    Magulo na ang statement ni Duterte sa isyung ito. Squid tactic na ang ginagamit niya para malusutan ang maliwanag na pagkakaipit niya rito. Noong una, ihahabla raw niya ng libel si Trillanes dahil naglulubid ito ng kasinungalingan. Hindi raw siya magbibigay ng waiver para mabusisi ang kanyang bank account. Bahala raw siyang patunayan ang bintang laban sa kanya. “Pahihirapan ko siya.” wika ng alkalde. Hindi ko na alam kung paano pa kakagat ang kasong libel na iniuumang niya laban sa senador, pagkatapos niyang aminin na halos totoo ang ibinunyag nito.

    Ngayon naman, inaakusahan niya ang senador ng paglabag sa bank secrecy law. Kasalanan kasing itinuturing, naaayon sa batas at pinapatawan ito ng kaukulang parusa, ang pagbulatlat ng deposito sa bangko ng isang tao at ihahayag nang walang kaukulang pahintulot. Ilegal, ayon kay Duterte, ang ginawa ng senador at ang anumang ebidensiyang nakuha niya ay walang bisa sa anumang kasong isasampa laban sa kanya. May panahon para rito.

    Ang napapanahon, dahil napipinto na ang halalan, ay ang pagpapaliwanag ni Duterte kaugnay sa kanyang bank account sa BPI Julia Vargas branch na hindi niya umano isinama sa kanyang SALN. Napapanahon din na liwanagin niya ang kanyang magulong deklarasyon ukol sa kanyang 17 bank account na ang mga transaksyong naganap sa mga ito ay umaabot sa P2.4 bilyon. O kaya’y mas gusto niyang tanggapin siya ng taumbayan dahil sa siya ay siya, na lagi niyang ipinagpipilitan. Kahit ba salat siya sa katapatan?

    Share this:

    • Tweet
    • Email
    • Print

    Related

    Tags: Kolumnista

    Posts

    • Latest
    • Popular
    • Comments
    • Kailangang aksiyunan ng bawat bansa ang problema sa kahirapan
    • Murang bigas, asahan –Malacañang
    • Isyu sa ‘mental health’ tinutukan ng PBAIsyu sa ‘mental health’ tinutukan ng PBA
    • Winwyn at Enzo, walang ilangan momentsWinwyn at Enzo, walang ilangan moments
    • ‘Big James’, PBAPC POW‘Big James’, PBAPC POW
    • VP Binay at Mayor Junjun, kinasuhan ng multiple graft
    • Duterte, mainit na tinanggap sa MILF camp; Cayetano, ‘no-show’ Duterte, mainit na tinanggap sa MILF camp; Cayetano, ‘no-show’
    • Face-off ng presidentiables sa ‘PiliPinas Debates 2016’ sa GMA-7
    • ‘Senador na kandidato, dapat mag-inhibit’
    • Duterte, naospital sa campaign fatigue
    • Patricia Emerenciana: Diokno, kakasuhan sa P75-B flood control projects
    • Soledad Batista: Diokno, kakasuhan sa P75-B flood control projects
    • jhay_jack: Diokno, kakasuhan sa P75-B flood control projects
    • Deanna Layug: Diokno, kakasuhan sa P75-B flood control projects
    • Lucky Me: Diokno, kakasuhan sa P75-B flood control projects
    Copyright © 2016 Balita – Tagalog Newspaper Tabloid. All rights reserved.
    Powered by iManila
    loading Cancel
    Post was not sent - check your email addresses!
    Email check failed, please try again
    Sorry, your blog cannot share posts by email.