Gas pipe explosion

Filed under Balitang Cute Balita RSS RSS Feed

Abril 28, 1995 nang mamatay ang 110 katao at daan-daan naman ang nasugatan matapos sumabog ang tubo ng gasolina sa Taegu, South Korea. Isang underground railway line ang itinayo sa kalsada, na ginamitan ng metal sheets sa halip na aspalto upang tapalan ang mga butas.

Malakas na pagsabog ang nangyari sa ilalim ng lupa, dahilan upang masira ang metal sheets, at dakong 7:30 ng umaga ay umabot na sa 150 talampakan ang apoy, at ang mga sasakyan ay naging “fireballs”.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng 60 bata, na ang iba ay papunta sa kanilang eskuwelahan.

Nananatiling palaisipan kung ano ang pinagmulan ng insidente. Ngunit naniniwala ang ilan na ito ay dahil sa konstruksiyon.