Thea Tolentino, mas salbahe sa ‘Once Again’

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

THEA copy

KASAMA ni Thea Tolentino ang parents niya sa presscon ng Once Again. Kita ang tuwa sa mag-asawa habang nakikitang kasama ang anak nila sa presidential table na ini-interview ng press people at kinukunan ng pictures ng photographers.

Heartwarming din ang eksenang nakita namin na ang daddy ni Thea ang may hawak sa bouquet of flowers na ibinigay kay Thea ng production. Genuine smile ang napansin namin sa mag-asawa nang ipakilala sila sa amin ni Thea.

“Mas salbahe ako rito kesa sa The Half Sisters,” kuwento ni Thea tungkol sa role niya bilang si Celeste Lacson na obsessed kay Aljur Abrenica at gagawin ang lahat para maagaw ito kay Janine Gutierrez. Kaya maghanda na ang fans ni Janine, tiyak na iinisin kayo ni Thea.

Sa primetime isasalang ang Once Again, pagkatapos ng Poor Señorita at ikinatutuwa ito ni Thea.

“Kapag primetime mas maraming puwedeng gawin at mangyari. You can explore at mapapalaki mo ang karakter mo. Sa afternoon, mas strict ang MTRCB. Excited na akong gampanan si Celeste Lacson,” sabi ng dalaga.

Muling makakasama ni Thea sa Once Again si Jeric Gonzales na original niyang ka-love team at natutuwa siya to work with him again. Hindi lang naming nagawang ma-interview sila nang sabay dahil agad pinaalis si Jeric after ng Q&A para makaiwas tanungin sa kumalat na sex video nito.

“Nag-alala ako sa kanya nang kumalat ang video. Hindi ko maalala kung tinext ko siya para suportahan siya. Medyo iwas nga siya, pero hindi nagbago ang tingin namin sa kanya, kaibigan pa rin ang turing namin sa kanya,” pahayag ni Thea.

Si Don Michael Perez ang director ng Once Again, the same director ng hit na Destiny Rose. Kabilang din sa cast sina Emilio Garcia, Timmy Cruz, Joko Diaz at Jean Garcia. (NITZ MIRALLES)