Bowling coach, handa na sa pagbabago

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Pamumunuan ni Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno, Guinness Book of World Record holder, ang bagong bihis na coaching staff ng Philippine Bowling Congress.

Sinabi ni PBC president Steve Hontiveros na tinanggap mismo ng World Bowling Ambassador na si Nepomuceno ang responsibilidad bilang heach coach kung saan makakasama nito sina Johnson Cheng, Engelberto “Biboy” Rivera, at ang tanging babae na si Jojo Canare.

“Biboy and Jojo will be the one coaching the Youth and Grassroots Program while Paeng and Cheng will take care of the Elite team of men and women,” sabi ni Hontiveros.

Iginiit ni Nepomuceno na mahabang panahon na nasadlak sa dusa ang sports na minsang naging pangunahing pinagkukunan ng karangalan ng bansa sa international championship.

“Our initial goal is to win back the gold medal in the coming SEA Games,” sambit ni Nepomuceno.

Aminado si Nepomuceno na mahirap ang responsibilidad subalit kailangan na ang pagkilos upang maisalba ang sports.

“We are having a continuing try-out for our national team as well as juniors team,” aniya.

Matatandaan na nirendahan ng POC ang asosasyon at pansamantalang itinalagang officer-in-charge si Hontiveros para malagyan ng direksyon ang grupo matapos ang pagpanaw ng pangulo nito na si Ernesto “Toti” Lopa.

Sinabi ni Hontiveros na kasalukuyan nang nagsasagawa ng try-out para makabuo ng men’s at women’s team , gayundin sa junior division. ( Angie Oredo)