Suhol ni Arroyo, itinanggi ni Duterte

Filed under Dagdag Balita Balita RSS RSS Feed

Itinanggi ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga ulat na tumanggap siya ng P1-billion mula kay dating pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd district representative Gloria Macapagal Arroyo, kapalit ng kalayaan ng huli.

Sinabi ng kampo ni Duterte na black propaganda lamang ito ng kanyang mga kalaban sa politika.

Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Partiko Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) spokesperson Atty. Paola Alvarez na pawang “hearsay” ang mga ulat na ito at naglalayong dungisan ang reputasyon ng city mayor.

“Mula pa sa simula sinabi ni Mayor Duterte na huwag tatanggap ng anumang suporta sa mga indibidual o businessman o kaninuman. Lahat ng kampanya para kay mayor ay puro boluntaryo lamang,” paliwanag niya. (Franco G. Regala)