Ramos at Magtoto, nagsosyo sa 10th Leg UFCC Championship

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Nadomina nina Gerry Ramos (AAO Hitcock) at Ricky Magtoto (Camsur Ahluck) sa naiskor na tig-limang panalo at isang talo ang 10th Leg event ng 2016 UFCC Cock Circuit nitong Lunes para pagsaluhan ang korona.

Magpapatuloy naman ang tukaan sa paglarga ng ika-11 yugto ng torneo bukas sa Pasay City Cockpit Arena.

Ang unahan para sa 2016 Cocker of the Year ay lalo pang naging kapana-panabik matapos na mabawing muli ang unang puwesto ni Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) na may 37 puntos, patas kay Joey delos Santos (San Roque).

Nasa ikalawang puwesto si Fiscal Villanueva/Eboy (Fiscalizer) -36.5; kasunod sina Ka Luding Boongaling (LB Candelaria RCG, Ramos (AAO Striker) at Engr. Celso Salazar (Golden Boy 718) na pawang may 33.5 puntos.

Nasa ikaapat na puwesto sina Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roosterville) – 33 at Arman Santos (Jared) – 32.5.

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Cock Circuit ay itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, Sagupaan, Solaire Resorts & Casino at Resorts World – Manila.