Mexican WBC champ, nag-iingat kay Mepranum

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Pinaghahandaan nang walang talong si WBC super flyweight champion Carlos “Prince” Cuadras ang pagdayo ng Filipino contender na si Richie “Magnum” Mepranum para sa kanilang title bout sa Los Mochis, Sinaloa, Mexico sa Abril 23.

Kagagaling lamang ng 27-anyos na Cuadras (34-0-1, 26 knockouts) sa 12-round unanimous decision victory laban kay Koki Eto ng Japan noong Nobyembre 28.

Bagamat hindi isang heavy hitter ang 28-anyos na Mepranum (31-4-1, 8 knockouts), ayaw pa rin siyang maliitin ng Mexican champion dahil kinokonsidera niyang mapanganib na boxer ang Filipino contender.

Kasama sa malaking panalo ni Mepranum ang 10-round unanimous decision victory kay dating WBA flyweight champion Hernan Marquez noong Marso 12, 2010 sa Texas, bilang undercard sa tagumpay ni eight-division world champion Manny Pacquiao kay Joshua Clottey sa Dallas Cowboy’s Stadium sa Texas.

Nasungkit naman ni Mepranum ang bakanteng World Boxing Union (WBU) super flyweight title via 6th round technical knockout kay Marjun Tabanco noong Nobyembre 14 ng nakaraang taon.

“My intention is to make a few more defenses this year and then raid and invade the bantamweight division led by Japanese Shinsaki Yamanaka, who’s also undefeated,” pahayag ni Cuadras sa WBC website. (Gilbert Espeña)