Eustaquio, humirit sa ONE FC

Filed under Features, Sports Balita RSS RSS Feed

jeje copy

Tinupad ni Pinoy mixed martial art fighter Geje Eustaquio ang pangako ng tagumpay para sa sambayanan nang dominahin ang karibal na si Gianni Subba ng Malaysia tungo sa unanimous decision sa co-main event ng ONE: Global Rivals Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Naghiyawan ang mga manonood ang itaas ang kamay ng 27-anyos na miyembro ng Team Lakay, hudyat nang kanyang ibinidang tagumpay sa harap ng pamilya ang mga tagahanga.

Higit na naging ispesyal ang panalo ni Estaquio – ikawalo sa 12 laban sa ONE – bunsod ng katotohanan na nagtamo siya ng pinsala sa balikat ilang linggo bago ang nakatakdang laban.

“Hindi ko na pinansin yung injury ko. Nagdasal na lang ako na gabayan at bigyan ng kalakasan,” sambit ni Eustaquio.

Binigyan din ng pamosong fighter mula Baguio City ng pagpupugay ang kanyang mga kababayan sa isinagawang Igorot dance habang papasok sa laban.

Sa main event, ginapi ni American Ben Askren, ONE welterweight championship, via unanimous decision kontra Russian Nikolay Aleksakhin sa tinaguriang “Cold War”.

“I was very much in control of the first two rounds. I landed a lot of hard strikes, elbows, and knees and he took everything and he kept fighting,” sambit ni Askren.

Hindi naitaya ang korona ni Askren sa laban na isa sanang title-defense dahil overweight si Aleksakhin sa ginawang weigh-in bago ang laban. Bunsod nito, ipinahayag ni Askren na ibibigay niya ang kanyang premyo sa kawang-gawa.

Nagbigay din ng kasiyahan sa lokal crowd si Honorio Banario matapos magwagi kontra Fil-Am Vaughn Donayre ng Pride Fitness Center via unanimous decision sa lightweight division, habang nasilat ni Joshua Pacio ang kababayan at mas beteranong si Rabin Catalan sa strawweight match

Nagwagi si Danny Kingad kay Malaysia’s Muhamad Haidar via technical knockout sa first round ng kanilang lightweight match, habang ginapi ni April Osenio si Natalie Gonzales Hills via stoppage via armbar sa first round ng tanging duwelo sa women’s class.

Sa iba pang laban, nagwago si Sunoto ng Indonesia kay Pinoy fighter Burn Soriano, habang naungusan ni Martin Nguyen si Li Kai Wen sa first round at namayani si Reece McLaren ng Australia kay Muin Gafurov ng Tajikistan via unanimous decision.