Perasol, inayudahan ni Palami bilang coach ng UP

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Nasa kamay na ng pamunuan ng University of the Philippines kung tatanggapin ang rekomendasyon ni team manager Dan Palami na kunin ang serbisyo ni Dolriech Perasol bilang coach ng UP Fighting Maroons sa darating na UAAP Season 79.

Ayon kay Palami, inirekomenda niya si Perasol para pumalit sa dating posisyon na binakante ni Rensy Bajar.

“Coach Bo is one of the recommended coaches in the list,” ayon kay Palami.

“Right now, UP is officially still without a headcoach.Coach Joe Ward is the one presiding over our practices,” ani Palami na kinumpirma din ng pananatili ni Ward bilang consultant ng Maroons.

Sinabi ni Palami na rekomendasyon lamang ang kanyang ginawa at depende ito sa desisyon ng chancellor at alumni association.

“We are in the process of selecting a head coach for the Fighting Maroons,” pahayag ni Palami.

Si Perasol ay nagsilbing headcoach ng Blue Eagles sa loob ng tatlong taon bago siya pinalitan ni Gilas coach Tab Baldwin. (Marivic Awitan)