Islamic leaders vs terorismo

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

ISTANBUL (AP) – Nagkaisa ang Islamic leaders sa mundo, sa dalawang araw na summit sa Istanbul sa Turkey, na labanan ang terorismo at ang pagkakawatak-watak ng mga sekta.

Sa huling deklarasyon nitong Biyernes, ipinahayag nila ang mariing pagkondena sa teroristang grupo ng Islamic State at ang papel ng Iran at mga kaalyado nito sa mga kaguluhan sa rehiyon.

“As Muslims, we cannot overcome our difficulties without achieving unity in spite of our differences,” anang Turkish leader sa closing ceremony.